Pagsalakay ng Puti at Itim

Isang araw, naglalakad na ako papunta sa bahay ko pagkatapos ng pasukan. Pagod na pagod na ako dahil “Physical Education” ang huli naming asignatura at ang dami ko pang kailangang gawin na aralin sa bahay ko. Mayroon pa akong pagsubok sa Math at Ingles sa susunod na araw. Subalit, may nakakaiba sa araw na ito nang pauwi na ako. Sa likod ko ay ang dalawa kong kaibigan na si Timothy Ng at si Joseph Busto. Bigla na lang sila nagdesisyon na pumunta sa bahay ko.

Malapit ko na kaibigan sila ngunit ibang-iba sila sa isa’t isa. Ang tawag ko sa kanila ay Willis at Busto. Si Willis ay maputing tao at si Busto naman ay medyong maitim. Si Willis ay varsity sa paglalangoy kaya ang tawag ni Busto sa kanya ay “Dolphin”. Ang tawag naman ni Willis kay Busto ay “Itim” dahil sa kulay ng kanyang balat. Adik silang dalawa sa paglaro ng Call of Duty, Heroes of Newerth at sa iba pang mga laro. Malapit din sila sa isa’t isa ngunit parang magkaaway din sila. Palaging nagmumurahan sina Busto at Willis tungkol sa mga walang kwentang bagay kagaya ng chichirya na napulot nila sa sahig. Ito ang mga dahilan kung bakit ayaw ko silang pumunta sa bahay ko, baka may masira pa silang gamit o baka magsapakan pa sila sa bahay ko.

Inis na inis ako. Sinabi ko, “Bakit pa kasi sa bahay ko? Wala kayong pwedeng gawin doon!”. Subalit, hindi sila nakinig at sinundan lang nila ako papunta sa bahay ko na parang leon na sumusunod sa kanyang pagkain. Nagutom ako kaya sinabi ko na kumain muna kami sa Jollibee. Pumayag naman sila dahil gutom na gutom na rin sila ngunit sinabi ko rin, “Kanya Kanyang Bayad to. Kaunti lang ang dala kong pera. Hindi ako magbabayad para sa inyo!”

Ang kinain ko ay chicken nuggets, ang kinain ni Willis ay burger steak at ang kinain ni Busto ay ice cream. Hanggang 4 kami kumain doon bago kami umalis papuntang bahay ko.15 minuto ang lumipas bago kami nakarating sa bahay ko. Naglaro kami ng COD diyan. Manga 7 ng gabi na ata silang umalis. Nang umalis sila, ang dumi dumi na ng kwarto at nakakalat ang lahat ng gamit ko. Galit na galit ang mga magulang ko sa akin at sinabi nila na pagpupunta ulit ang kaibigan ko sa bahay ko ay kailangan muna nilang magpaalam na pupunta sila ng dalawang araw bago sila pumunta. Sa huli, ako rin ang nag-ayos ng lahat. Nadagdag lang ang kailangang kong gawin at nabawas pa ang oras ko na dapat ginamit ko para sa aking pag-aaral. Sa gabing iyon, 1 am na ako nakatulog. Ah, mali pala, Sa susunod na araw, 1 am na ako nakatulog.

May natutunan ako sa karanasang ito. Huwag kang kaagad sumunod sa mga sinasabi ng iba. Huwag mong hayaan na sila ang magdesisyon para sa iyo, dapat sabihin mo sa kanila ang punto mo at dapat nilang maintindihan kung ano ang sinasabi mo. Ipaglaban mo kung ano ang gusto mo dahil kung hindi, ikaw lang ang magsisisi sa huli at malalaman mo na nagsisisi ka dahil hindi mo ipinagtanggol kung ano ang gusto mo.

  1. Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: