Ang Katamtaman Sa Lahat

Kamusta mga tao! Ito si Kevin Wong ang manunulat ng librong “The Eyes of Death” at “The Scar of the Heart”. Alam ko mayroong ilan sa iyo na gusto rin maging sikat na manunulat. Alam ko na ginagawa niyo ang lahat para maabot niyo ang inyong mga pangarap kaya mayroon akong ibibigay na payo para sa inyo. Ito ang isang kwento ng buhay ko noong bata pa ako.

Dati pa, nangarap na akong maging isang manunulat. Palagi akong nagsasanay sa pagsusulat. Minsan pa nga ay hindi ako kumakain para lang matapos ko ang aking sinusulat. Isang araw, marami akong nakuha na takdang aralin mula sa aking mga guro. Mayroon pa akong mga pagsubok sa Science, Filpino, Math at Social Studies sa susunod na araw. Subalit, nais ko pa rin magsulat. Pagdating ko sa aking bahay nagsulat na kaagad ako. Ilang horas na akong nagsulat bago ko naalala na mayroon pa pala akong takdang aralin na kailangang gawin at mayroon pa pala akong mga pagsubok bukas at kailangan ko pang mag-aral para sa mga pagsubok na ito. Dahil dito, hanggang 2 am ako nanatiling gising para mag-aral para sa mga pagsubok at para rin tapusin ang aking mga takdang aralin. Nang pumasok ako sa susunod na araw pagod na pagod ako at parang patay ako nagsalita sa aking mga kaklase at nang dumating ang mga asignatura na kailangan kong sagutin ang mga pagsubok, halos hindi ko na maalala ang mga pinagaralan ko. Akala ko na binaksak ko ang mga pagsubok na iyon lalo na ang pagsubok ko sa Social Studies at kailangan na kailangan ko pa namang makuha ng mataas na marka doon para makakuha ng honors. Naalala ko ang mukha ng aking nanay at tatay ko dati na hindi ako naka honor. Natakot ako dahil ang dismaya nila ay nakikita sa mukha nila. Akala ko na baka naisip nila na wala akong kwenta at kung hindi ko kayang mag-aral ng mabuti ano pa bang pwede kong gawin sa buhay. Ang laki ng tuwa ko nang binalik ng aking mga guro ang mga pagsubok ko. Matataas naman ang mga marka ngunit hindi ko pa rin nakuha ang honors na gusto kong kunin dahil hindi umabot ang marka ko sa Social Studies sa marka na kailangan kong makuha para makakuha ng honors. Subalit, sa aking tuwa, nandiyan pa rin ang galit sa aking sarili sa loob ng puso ko. “Sayang naman!” ang sabi ko sa aking sarili ngunit hindi ko na kayang ibalik ang oras na lumipas. Ito ang nag-iba ng aking saloobin. Mula sa mapaglarong bata, nalaman ko ang halaga ng responsibilidad at ako ay naging bagong tao.

Ano ba ang gusto kong sabihin sa iyo? Isa lang ito. Na matuto kayo kung ano ang dapat unahin at kung kailan dapat gawin ang isang bagay. Hindi ko sinasabi na walang halaga ang mga panglibang na gawain at hindi ko rin sinasabi na walang halaga ang ginawa kong pagsasanay sa pagsusulat. Ang sinasabi ko lang ay “Keep it in moderation”, huwag palaging lagyan sa iyong kaisipan ang mga bagay kagaya nito. Sinabi nga ni Horace Porter, isang sundalo at diplomatiko ng US, “Be moderate in everything, including moderation.”. Ang ibig sabihin lang nito ay huwag maging sobrang adik sa mga kagustuhan ngunit huwag din kalimutang magpahinga, maglaro at gawin ang gusto mo. Ito ang daan para maging isang magaling na manunulat at para din maging isang mabuting tao.

  1. Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: