Saan Pa Ba Kung Hindi Sa Pilipinas?

Sa Pransiya may Eiffel Tower, sa Indya may Taj Mahal, sa Ehipto may mga matataas na pyramid, sa Estado Unido may Statue of Liberty at sa Tsina may Great Wall Of China. Wala man ang Pilipinas ng ganitong mga katangi-tanging at nakakaibang imprastraktura, ang Pilipinas ay maganda pa rin dahil sa kaniyang natural na kagandahan, kakaibang kultura at dahil din sa ugali ng mga tao na nakatira dito.

Sa buong Asya, ang Pilipinas lang ang bansa na may maraming Kristyano. Tayo rin ang bansa na talagang nagbibigay halaga sa ating relihiyon. Makikita natin sa ating mga pagdiriwang at sa ating mga aksyon at sinasabi, ang epekto ng relihiyon sa buhay ng mga Pilipino. Sa ibang mga bansa sa Asya, pumupunta sila sa mga mosk o sa mga templo at nagninilay para ipakita ang kanilang debosyon para sa kanilang mga paniniwala. Subalit, sa Pilipinas, tayo ay pumupunta sa simbahan at nagdarasal gamit ang rosaryo. Ang kultura ng mga taga-Europa ay lumikha rin sa kultura ng mga Pilipino. Nakikilala ang Pilipinas bilang isa sa mga nauna na “Westernized” na bansa dito sa Asya. Halos lahat ng mga nakatira sa Pilipinas ay nakakapagsalita ng wikang Ingles, ngunit laban sa mga inaakala ng maraming tao, hindi lang ito isang pagkokopya sa kultura ng mga Amerikano. Isa lang ito sa mga bahagi ng kultura ng Pilipino dahil sa kolonisasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas. Marami rin ang mga hayop na nakikita lamang sa Pilipinas at kanyang mga isla. Isa na rito ang Philippine Eagle, ang hayop na nagsisymbolo sa Pilipinas at ang pinakamalaking agila sa buong mundo. Isa pang hayop na makikita lamang sa Pilipinas ay ang Pandaka Pygmaea. Ito ang pinakamaliit na isda sa buong mundo. Kung akala mo ang mga hayop lang sa Pilipinas ay nakaka-iba, nagkakamali ka. Nakaka-iba rin ang mga lugar sa Pilipinas. Ang islang Boracay ay kinikilala bilang isang isla na may puting buhangin. Sa ibang bansa, ang madalas nating nakikikta na kulay ng mga buhangin sa dagat ay kayumanggi, kaya nakakaaliw talaga ang mga katangi-tanging dagat sa Pilipinas. Maraming tao ang pumunta rito sa bakasyon para magpahinga.

Alam ba ninyo na ang Pilipins ay madalas puntahan ng maraming turista. Hindi lang ito dahil sa kagandahan ng Pilipinas, dahil din ito sa magandang ugali ng mga Pilipino. Sa ibang bansa, hindi masyado binibigyan ng halaga ng mga tao ang mga turista at mga bisita. Mababait at masayang tumatanggap ng mga bisita. Kahit hindi ka kilala, tatratuhin ka na parang isang bahagi ng kanilang pamilya. Tatratuhin ka nila na parang isang kapatid na importante sa kanila. Masayahin din ang mga Pilipino. Mahilig kumain ng pagkain at mahilig din magdiriwang ng mga selebrasyon. Sigurado ako na dahil dito, hindi ka maiinip sa iyong pagbisita dito sa bansa kong Pilipinas.

Nakikita na ba ninyo ang halaga at kagandahan ng Pilipinas? Nakikita na ba ninyo kung bakit ko binibigyan halaga ang bansa kong ito? Bakit ka pa nakatungo diyan at naghihintay? Halika na at pumunta ka sa Pilipinas, ang aking bansa na kay ganda!

Sources: http://www.philippines.hvu.nl/animals1.htm

  1. Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: