Liham sa magulang

Mahal kong nanay at tatay,

    Alam ko po na simula bata pa ako inalagaan niyo ako at ang lahat ng kailangan at kahilingan ko ay ibinigay po ninyo. Subalit, kung pag-uusapan ang aking kukuhang kurso sa kolehiyo, kaagad po ninyong sinasabi na kailangan kong kunin ang kursong Business. Sana maintindihan naman po ninyo na ang gusto kong kunin na kurso ay ang kursong Law.

    Alam ko na mas tatagalan ako sa kolehiyo kung ang kukunin kong kurso ay Law. Kung pera naman ang pag-uusapan, mahal din ang magiging tuition ko sa pag-aral ng Law. Subalit, pagkatapos ko nang mag-aral ng kursong ito, marami na akong pwede maipon na pera dahil malaki ang sweldo at bayad ng abogado at dahil dito, ang pera na ginastos po ninyo sa pagbayad sa aking tuition ay makukuha niyo ulit at mas marami pa ang pwede kong ibalik na pera. At kung kulang ang pera na ibibigay niyo para sa tuition, pwede naman ako maging isang “student worker” at magtrabaho sa KFC o kaya sa Mcdo. Marami pang benefisyo sa pagiging abogado. Hindi niyo na po kailangang kumuha ng ibang abogado dahil ako na ang mamamahala sa mga problema niyo. Mas pagbubutihan ko rin ang pag-aaral ko sa kursong Law dahil ito nga ang gusto ko at dahil dito, mas bibigyan ko ng halaga ang pag-aaral ng Law.

    Makikita ninyo rito na talagang mas gusto kong kunin ang kursong Law at para sa akim, mas maraming benefisyo sa kursong ito. Maraming salamat po sa pagbasa ng liham na ito at sana maiintindihan ninyo kung saan ako nangagaling.

                                                                                                               Ang iyong nagmamahal na anak

  1. Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: