Artista Ng Dekada

Kung titingnan natin ang nakaraang dekada, marami ang mga bagong artista at banda na nagpakitang gilas at pinakita ang kanilang galing sa pagkanta at sa paggamit ng instrumento. May mga banda at artista na nagpakitang gilas sa country, sa pop, sa techno, sa rock at pati na rin sa instrumental. Mayroon pang ibang kategorya na naglabas ng mga artista at banda na nagpakitang gilas din sa mga kategorya kung saan sila nakabase. Subalit, sa aking paningin, ang pinakamagaling at ang dapat makuha ng Artista Ng Dekada ay ang bandang The Script.

Ang bandang The Script ay binubuo ng tatlong tao. Si Glen Power sa tambol, si Mark Sheehan sa gitara at si Danny O’Donoghue sa keyboard. Galing sila sa Ireland. Ang unang album nila ay linabas sa 2008. Sa unang album pa lang nila naka kuha na sila ng maraming parangal. Nakakuha na sila ng parangal para sa Best Selling Irish Act sa World Music Awards 2008. Sa Meteor Ireland Music Awards 2009, nanalo sila sa Best Irish Band, Best Album para sa kailang album na The Script at Best Live Performance. Sa Meteor Ireland Music Awards 2009, nanomina rin sila para sa Best Irish Pop Act. Makikita na natin dito ang kagalingan nila dahil bago pa lang sila at marami na ang mga parangal na nakuha nila at kilala na sila sa buong mundo. Ang iba sa mga kilalang kanta nila ay ang Breakeven, If You Ever Come Back at ang paborito kong kanta na The Man Who Can’t Be Moved. Sa Youtube, kung papanoorin mo ang official music video nila sa kantang The Man Who Can’t Be Moved maikita mo na mas marami pa sa tatlumpung milyon ang mga taong nanood at nakinig sa music video na iyon.

Makikita natin na bago pa lang ang bandang The Script. Ngunit, marami na ang nakuha nilang parangal. Marami na rin ang mga taong may gusto sa bandang The Script. Kung makukuha nila ang parangal na Artista Ng Dekada, malalabas nila ang kanilang potensyal at sigurado ako na mas lalo pa nilang gagalingan ang pagawit at pagkanta at mas lalo pa silang makikilahanin ng mga tao sa mundo.

 

  1. Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: