Rafael Malas

Isa sa mga tauhan sa Noli ay si Rafael Ibarra. Siya ang tatay ni Crisostomo at ang simbolo ng katarungan, karunungan at kabaitan sa Noli Me Tangere. Ngunit, sa kabila ng kanyang pagiging isang matuwid na tao sa bayan, nagkaroon siya ng maraming kaaway na nagpangap na kaibigan. Sa huli, ang kanyang pagiging makatarungan at mabait ay ginamit laban sa kanya ng kanyang mga kaaway. Ang layunin ng meme na ito ay maintindihan ng kabataan na mahirap maging makatarungan ngunit magiging kagaya ni Rafael Ibarra pa rin sila at gagawin pa rin ang tama kahit mahirap ito.

Ang meme na ito ay tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa buhay ni Rafael Ibarra na, sa huli, ay naging dahilan sa kanyang pagkamatay. Mayroon isang Espanyol na hindi marunong magbasa. Dahil dito, pinagtatawanan siya ng mga batang Pilipino. Isang araw, sa sobrang galit, binugbog niya ang isa sa mga bata. Nakita naman ito ni Rafael at kaagad niyang prinotektahan ang bata. Tinulak niya ang Espanyol. Nahulog siya at natamaan sa ulo. Namatay ang Espanyol at dito nagsimula ang lahat ng problema ni Don Rafael Ibarra. Ang isyung ito ay naging kaso laban sa kanya dahil siya ang sinisi sa pagkamatay ng Espanyol kahit ayon naman sa mga doktor na namatay ang Espanyol sa sakit at hindi sa tama sa ulo. Tinawag siyang Filibustero at Erehe dahil sinabi ni Padre Damaso, ang kanyang “kaibigan”, na hindi siya nangungumpisal. Tinawag siya ng mga ito kahit mabait siya. Wala naman siyang ginawa laban sa pamahalaan at sa Diyos, at sa katunayan, iniligtas pa nga niya ang isang bata sa pagbubugbog ng tagakolekta ng buwis, ngunit ikinulong pa rin siya at dahil sa kanyang kalungkutan at mahina na kalusugan, namatay siya sa kulungan. Dahil sa mga dahilan na ito, talaga naman malas si Rafael, dahil ang kabutihan na ginawa niya ay hindi binalik sa kanya pero ang hindi karapat-dapat na kasamaan ang nakuha niya.

Kung titingnan natin ng mas malalim ang meme na ito at ang nangyari kay Don Rafael Ibarra, makikita natin ang isa sa maraming isyung panlipunan na nais ipakita sa atin ni Rizal. Ito ay ang isyu tungkol sa kawalan ng katarungan. Ang panahon na iyon ay isang panahon na talagang walang hustisya. Ang mga praile ang nagsasabi kung ano ang nararapat kahit mali naman talaga ang mga sinasabi nila. Ang mga Espanyol ay umaabuso ng kanilang kapangyarihan at sinasaktan ang mga taong wala namang sala. Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan at ang takot ng mga tao para makakuha ng kanilang mga gusto. Isang magandang halimbawa ng kawalan ng katarungan ay ang Espanyol na nangongolekta ng buwis. Kung tutuusin, wala naman talaga siyang karapatan para maging isang taong tagakoloketa ng buwis dahil hindi siya marunong magbasa. Ngunit, dahil siya ay isang Espanyol, binigyan pa rin sa kanya ang posisyon na iyon. Ang pagbubugbog din niya ay nagpapakita ng kawalan ng katarungan sa panahon na iyon. Kahit gaano man kakulit ang isang bata, hindi mo dapat siyang saktan, ang mga magulang o guro ang may karapatan para gawin ito at hindi ang mga taong hindi niya kilala. Subalit, sinaktan pa rin ng Espanyol ang bata at walang magawa ang mga taong sa paligid dahil takot sila sa pwedeng gawin ng Espanyol, si Rafael lamang ang tumulong sa bata.

Itong si Rafael Ibarra, ang tanging nagpakitang gilas na gawin ang dapat gawin, ay ang taong inapi pa ng mga tao na nasa gobyerno at Simbahan. Talagang malas siya. Kung ngayon, ang mga aksyon na katulad ng ginawa niya ay talagang bibigyan ng puri ng mga tao. Subalit, malas siya dahil ang panahon na iyon, lalong lalo na sa Pilipinas, ay walang pinapakitang respeto sa mga taong may karanungan at kabutihan. Ang kapangyarihan ang binibigyan respeto. Malas talaga siya dahil, kahit alam natin na ang kabutihan, karanungan at ang pagpapakita ng hustisya ay dapat bigyan ng respeto, papuri at ibang mga gantimpala, ang ibinalik sa kanya ay ang lason ng kanyang mga “kaibigan” na sa katotohanan naman ay mga buwitre na nag-aantay lamag sa tamang panahon para lumaban kay Rafael.

Sana naman na matutunan ng kabataan ngayon ang nais kong iparating sa meme na ito. Ang nais ko lamang iparating sa meme na ito ay huwag kang gumawa ng tama para lamang sa gantimpala. Minsan, kailangan tayong maging Don Rafael. Kailangan natin gawin kung ano ang tama kahit na hindi ito gusto ng lipunan o ng ibang tao. Kahit labanan tayo ng ibang tao, kung ang gagawin natin ay nagpapakita ng hustisya at karunungan, gawin pa rin natin ito. Isipin lang natin na malas lang tayo dahil hindi sang-ayon ang ibang tao sa ating desisyon na gawin ang tama. Kagaya lang tayo ni Rafael. Lalaban ang mga tao sa ating desisyon, ngunit sa kinabukasan, makikita rin ng mga tao na tama ang ginawa natin. Isipin natin na tayo, bilang mga mambabasa ng Noli, ay nakakakita na tama ang desisyon ni Rafael na iligtas ang bata. Ganito rin ang magiging paningin ng mga tao sa atin kung gagawin natin ang mga desisyong makatarungan kahit hindi sang-ayon ang mga tao sa lipunan.

Sana maintindihan ng mga kabataan ang lahat ng ito at gawin ang mga ito sa kanilang buhay.

Source:

http://www.google.com.ph/imgres?um=1&hl=fil&sa=N&biw=1096&bih=584&tbm=isch&tbnid=K_6od_cppgXTpM:&imgrefurl=http://technogra.ph/2008/08/26/old-filipino-costumes-straight-from-the-internets/un-mestizo-chino/&docid=Mld6xznXPyNPZM&imgurl=http://technogra.ph/wp-content/uploads/2008/08/un-mestizo-chino.jpg&w=500&h=760&ei=sDseUIeECIWkiQeOgYHoBA&zoom=1&iact=hc&vpx=778&vpy=214&dur=643&hovh=277&hovw=182&tx=92&ty=121&sig=106846000710744863295&page=2&tbnh=124&tbnw=88&start=20&ndsp=26&ved=1t:429,r:24,s:20,i:208

 

  1. Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: