Paano Ba Babago?

Sa Sarili:

Sa El Fili, makikita natin ang iba’t ibang kasamaan na nangyayari sa Pilipinas. Ngunit, kung susuriin ng mabuti, hindi ba tayo rin ay kasama sa kasalanan? Naniniwala ang mga Pilipino sa mga sinasabi ng Espanyol. Sa chapter 9 ay makikita rin natin ang kakulangan natin sa pagtulong sa ating kapwa. Isinisisi lang natin ang ibang tao. Mayroon naman tayong pwedeng gawin, pero ginagawa ba natin ang mga ito? Sa kabuuan, ang unang mga kabanata ng El Fili ay nagsasabi na kung gusto natin umunlad ang Pilipinas, tayo muna ang simula ay nasa atin. Dapat gumawa tayo ng mabuti para sa ating bayan, hindi lang ang bayan ang gumagawa ng mabuti para sa atin.

 

Sa Lipunan:

Sa mga kabanata na ito ay makikita rin natin ang dapat gawin ng ating lipunan. Hindi dapat tayo naglalaban sa isa’t isa. Sa unang kabanata ay makikita natin si Donya Victorina na nag-aapi ng mga Pilipino. Sa kabanata apat ay makikita rin natin ang “selfishness” ng mga Pilipino dahil ayaw nilang tulungan ang pamilya ni Kabesang Tales. Hindi dapat tayong maging kalaban sa isa’t isa. Dapat ay magsama-sama tayong kapwa Pilipino laban sa kasmaan. Ito lamang ang paraan para umunlad ang ating kasaysayan.

 

Sa Bansa:

Ang El Fili ay nangyari 13 na taon makalipas ang Noli. Kaso nga lang, wala namang pagbabago ang nangyayari sa bansa. Sa unang kabanata, makikita natin ang Bapor Tabo na inihahambing sa Pilipinas. Ito ay mabagal at bilog na isinisimbolo ang walang pag-unlad sa Pilipinas makalipas na ng 13 na taon. Ang mga masasamang praile sa Noli ay nariyan pa rin, kagaya ni Padre Salvi at Padre Sibyla. Isinasabi lamang ng unang mag kabanata ng El Fili ay kailangan magbago ang Pilipinas. Kahit ngayon ay halos walang maganda ang nangyari sa ating bansa. Kung titingnan nga natin ang Pasig River, naging mas marumi pa nga ito kumpara sa noon.  Ito ay hindi lang para sa atin, kung hindi ay para na rin sa mga susunod na henerasyon.

  1. Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: