El Fili

Kung nabasa niyo na ang Noli, siguro naman na magugulat kayo sa El Fili. Kung sa Noli ay kitang-kita ang pag-asa, mas madilim ang El Fili. Sa tingin ko, bagay na bagay ito. Makikita natin dito na dumidilim na ang pananaw ni Rizal tungkol sa Rebolusyon. Pati na sa mga kapalaran ng mga taong taga-Noli, makikita natin ito. Ang El Fili, tungkol pa rin sa mga atraso ng mga Kastila, ay nakapocus na rin sa mga atraso na ginagawa ng mga Filipino sa isa’t-isa.
Ang El Fili ay importanteng basahin dahil sa maraming dahilan. Una, isa itong depiksyon ng buhay ng mga Pilipino. Makikita natin dito ang mga atraso na nagawa ng mga Kastila. Pangalawa, isa itong libro na maraming magagandang tema. Pangatlo, kitang-kita pa rin ang mga nangyayari sa nobela. Kahit ilang taon na rin ang nakalipas, applicable pa rin ang mga nakikita natin sa nobela. At ang huli, isa itong bahagi ng ating kultura. Bilang mga Pilipino, responsibilidad natin ang alamin ang ating kultura.
Marerekomenda ko ang nobelang ito sa mga taong nasa high school. Kung mas bata pa sila, baka hindi nila maintindihan ang mensahe ng El Fili. At tsaka, malalalim talaga ang mga tema ng nobela. Meron pa ngang rape at patayan eh.

  1. #1 by rwng14 on October 8, 2013 - 1:26 pm

    Para sa akin, hindi talagang pag-asa ang pocus ng Noli dahil nakita natin diyan na nawala ang masayang kinabukasan ni Ibarra. Ito ang dahilan kung bakit bumalik siya sa Pilipinas bilang Simoun sa El Fili. Nawala na ang lahat ng pag-asa niya. Datapuwa’t, sumasang-ayon ako na talagang mas madilim ang El Fili kaysa sa Noli, at sumasang-ayon din ako sa ibang mga punto niyo tungkol sa itong nobela. Gusto ko lang sabihin na magiging mas malinaw ang pananaw mo tungkol sa nobelang ito kung ibinigay mo ng mga halimbawa sa sinasabi niyong “magagandang tema”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: